Tuesday, May 05, 2009

4 years

Four years of love, joy, pain, sorrow, suffering, mistrust....


how long should you hold on?

how soon should you let go?

How do you move on?


This is a story

about how true love

waits for

holds on






Subscribe in a reader

Tuesday, April 21, 2009

Telenovela Review: Dapat Ka Bang Mahalin?

Kahapon, habang tambay sa bahay, napagpasyahan kong manood ng TV. Ngayon ko lang nalaman na may remake pala ang "Dapat Ka Bang Mahalin" ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Since na medyo nakalimutan ko na yun original kwento, pinakwento ko yun kasambahay namin at medyo naging interesado ako.

Heto ang Plot ng "Dapat ka bang Mahalin" movie from wikipedia:

Even though his family is broken, Lito got everything he wanted. All the material possessions, the girls, and the fun. Myrna is a straight "A" student coming from a devoted religious family. When Lito started to court Myrna, she immediately falls in love with him. Myrna's family doesn't like Lito, especially Myrna's father. Causing them to hide their relationship. Their roller coaster of emotions lead from one thing to another until they slept together. These two teenagers are suddenly flung into the world of marriage when Myrna discovers that she is pregnant. Myrna tries to hold everything together. She defends her decision to stay with Lito to the whole world convincing herself that Lito is with her in every step of the way. But she knows she can't fool the world, not even herself. Lito still does not hold responsibility. Especially when Myrna gets a miscarriage. she falls depressed about her miscarriage, mean while Lito starts hanging out with his no good friends again, which leads to an affair with an older woman, Glacilda; Lito's bestfriends sister. Glacilda seeks attention from Lito, who looks exactly like her late husband; William. She carries the burdens of their love all by herself but Myrna later starts to question Litos infidelity. Myrna asks herself if she's even supposed to love Lito? Or will she go on all by herself?


Nakakalungkot naman ang storya. Parang gusto kong batuk batukan yun mister! Napaka iresponsable! Pero syempre sa movie magbabago si Lito at magiging masaya ang buhay nilang mag asawa....

Kapag ganito ba ang sitwasyon, sa parte ng Misis, kelangan bang manindigan sa asawa kahit ganyan na ang pinaggagagawa? Iresponsable, mabarkada, nambababae, etc etc. Hindi ba ito kamartiran? O sadyang pagkilala lang ito sa kasal? Gaya nga ng nabangit ko sa Sanctity, pag tupad lamang ito sa sinumpaan at syempre pagmamahal para sa kabiyak.

At sa mister, parte lang ba ito ng pagiging immature? Talaga bang may panahon pa para magbago o tuluyan maging walang kwentang Mister..Ano ba ang lumalabas sa kukote nila bakit nakakagawa sila ng ganito? Sa kabila ng pagmamahal na binubuhos sa kanila ng kanilang misis. Sa kabila ng sakripisyo na ginagawa to the point na makalaban na ang sariling pamilya para lang makasama ang asawa.... Ano bang utak meron sila?

Hay naku...






Subscribe in a reader

Sunday, April 19, 2009

Ang Pagiging Mabuting Mamamayan

Alam na natin lahat ang nangyari sa pamilya ni Ted Failon. Kung tutuusin kung nangyari ito sa isang ordinaryong pamilya. Palabasin lang na nagsuicide yun misis wala na. Hindi na pag uusapan. Pero bakit ito nararanasan ng pamilya nila? Dahil ba sa isang public figure si Ted? At ito na ang tamang time para resbakan sya ng mga taong binatikos nya?

Kung tutuusing bilang tagapagbalita alam nating lahat na ginagawa lamang ni Ted Failon ang tungkulin nya. Bilang isang responsableng mamamahayag wala syang kinikilingan. Kung may lumabag sa batas kailangang batikusin. Wala naman masama doon di ba? Sinisiwalat lang nya ang katotohanan...

Minsan may mga bagay sa mundo na nakakapagtaka. Nakakalungkot kasi ikaw na ang gumagawa ng tama, ikaw pa ang pinaparusahan. Ikaw pa ang nagmumukhang masama. Ipinaglalaban mo lang naman ang tama, ipinaglalaban mo lang naman ang katotohanan.
Pero ano ang ganti nila sa iyo? Ikaw pa ba ang dapat sumuko? Ikaw pa ba ang dapat magparaya? Kailangan mo ba silang pagbigyan sa kasalanang pinaggagawa nila? Hindi!!


May magandang karmang nagaabang sa mga taong naniniwala sa katotohanan at namumuhay ng naayon sa batas ng tao at sanlibutan. At para din sa mga nagkakasala... may masamang karma ding naghihintay para sa kanila.


Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon