Tuesday, April 21, 2009

Telenovela Review: Dapat Ka Bang Mahalin?

Kahapon, habang tambay sa bahay, napagpasyahan kong manood ng TV. Ngayon ko lang nalaman na may remake pala ang "Dapat Ka Bang Mahalin" ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Since na medyo nakalimutan ko na yun original kwento, pinakwento ko yun kasambahay namin at medyo naging interesado ako.

Heto ang Plot ng "Dapat ka bang Mahalin" movie from wikipedia:

Even though his family is broken, Lito got everything he wanted. All the material possessions, the girls, and the fun. Myrna is a straight "A" student coming from a devoted religious family. When Lito started to court Myrna, she immediately falls in love with him. Myrna's family doesn't like Lito, especially Myrna's father. Causing them to hide their relationship. Their roller coaster of emotions lead from one thing to another until they slept together. These two teenagers are suddenly flung into the world of marriage when Myrna discovers that she is pregnant. Myrna tries to hold everything together. She defends her decision to stay with Lito to the whole world convincing herself that Lito is with her in every step of the way. But she knows she can't fool the world, not even herself. Lito still does not hold responsibility. Especially when Myrna gets a miscarriage. she falls depressed about her miscarriage, mean while Lito starts hanging out with his no good friends again, which leads to an affair with an older woman, Glacilda; Lito's bestfriends sister. Glacilda seeks attention from Lito, who looks exactly like her late husband; William. She carries the burdens of their love all by herself but Myrna later starts to question Litos infidelity. Myrna asks herself if she's even supposed to love Lito? Or will she go on all by herself?


Nakakalungkot naman ang storya. Parang gusto kong batuk batukan yun mister! Napaka iresponsable! Pero syempre sa movie magbabago si Lito at magiging masaya ang buhay nilang mag asawa....

Kapag ganito ba ang sitwasyon, sa parte ng Misis, kelangan bang manindigan sa asawa kahit ganyan na ang pinaggagagawa? Iresponsable, mabarkada, nambababae, etc etc. Hindi ba ito kamartiran? O sadyang pagkilala lang ito sa kasal? Gaya nga ng nabangit ko sa Sanctity, pag tupad lamang ito sa sinumpaan at syempre pagmamahal para sa kabiyak.

At sa mister, parte lang ba ito ng pagiging immature? Talaga bang may panahon pa para magbago o tuluyan maging walang kwentang Mister..Ano ba ang lumalabas sa kukote nila bakit nakakagawa sila ng ganito? Sa kabila ng pagmamahal na binubuhos sa kanila ng kanilang misis. Sa kabila ng sakripisyo na ginagawa to the point na makalaban na ang sariling pamilya para lang makasama ang asawa.... Ano bang utak meron sila?

Hay naku...






Subscribe in a reader

Sunday, April 19, 2009

Ang Pagiging Mabuting Mamamayan

Alam na natin lahat ang nangyari sa pamilya ni Ted Failon. Kung tutuusin kung nangyari ito sa isang ordinaryong pamilya. Palabasin lang na nagsuicide yun misis wala na. Hindi na pag uusapan. Pero bakit ito nararanasan ng pamilya nila? Dahil ba sa isang public figure si Ted? At ito na ang tamang time para resbakan sya ng mga taong binatikos nya?

Kung tutuusing bilang tagapagbalita alam nating lahat na ginagawa lamang ni Ted Failon ang tungkulin nya. Bilang isang responsableng mamamahayag wala syang kinikilingan. Kung may lumabag sa batas kailangang batikusin. Wala naman masama doon di ba? Sinisiwalat lang nya ang katotohanan...

Minsan may mga bagay sa mundo na nakakapagtaka. Nakakalungkot kasi ikaw na ang gumagawa ng tama, ikaw pa ang pinaparusahan. Ikaw pa ang nagmumukhang masama. Ipinaglalaban mo lang naman ang tama, ipinaglalaban mo lang naman ang katotohanan.
Pero ano ang ganti nila sa iyo? Ikaw pa ba ang dapat sumuko? Ikaw pa ba ang dapat magparaya? Kailangan mo ba silang pagbigyan sa kasalanang pinaggagawa nila? Hindi!!


May magandang karmang nagaabang sa mga taong naniniwala sa katotohanan at namumuhay ng naayon sa batas ng tao at sanlibutan. At para din sa mga nagkakasala... may masamang karma ding naghihintay para sa kanila.


Subscribe in a reader

Saturday, April 18, 2009

Situational eklavu para sa mga Single Ladies

Anong gagawin mo kapag nabuntis ka at tsaka mo lang nalaman na may asawa na pala ang boyfriend mo?


Hmm mahirap sagutin yan.... Isa kang dalaga na walang ibang pinangarap kundi matagpuan ang prinsipe ng iyong buhay. Heto si lalaki, nagpakilala bilang single and available. Gagawin ang lahat para paibigin ka at ihihiga ka sa malarosas na kama pakalipas ng ilang araw para makamit ang minimithing ... ehem! Pagkatapos makalipas ng ilang buwan, magsusuka ka, magpapatingin sa doktor, may laman na pala. Hihilingin mo ngayon sa "boyfriend" mo na pakasalan ka, yun pala hindi pwede dahil may sabit na sya.

Tapos sasabihin mo sa sarili mo, "ang t@nga-t@nga ko..pumatol ako sa may asawa?? then nag pabuntis pa.. darn!"


Napakasaklap! Hiningi ko ang opinyon ng mga kadalagahan hingil sa isyung ito at heto ang kanilang mga sagot:

"I am single. If ever I will be impregnated by a married man, I will keep the baby and won't ask from the father for any financial support. I can support the baby by myself. I won't even allow my child to use his father's name even if it’s already allowed by law. I won't even allow my child to know who his father is because I don't want him to recognize a deceitful man as his father. Deceitful because I only came to know that he is married after we were already sexually involved and carrying his child. Thank you na lang sa sperm nya at nagkababy ako. It is my fault also since I did not investigate his character and status before opening up my legs to him."


"Single: I'll deal with me being pregnant. No blame for anyone. If i do find out that my bf is already married to someone else then i'll accept that fact...needless to argue about it. I'll get out of his life or he gets out of mine because i cant stand liars and i wont put up with it. I will raise the child by myself and give it all the love i could.

and i will thank the Lord for blessing me with a child...to me that is the most precious gift i will receive...with a partner or without."



"maybe kilalain mo muna mabuti yun karelasyon mo, the real status.bago mo ispread yan mga binti mo.kung serious relationship talaga at aware ka. then contraceptives eh hindi kayo gumagamit..mag isip isip ka na
punta ka NSO check
CENOMAR - Certificate of No Marriage Record
The following are the information one needs to provide in securing a CENOMAR:

1. Complete name of the person to be certified
2. Complete name of the father
3. Complete maiden name of the mother
4. Date of birth
5. Place of birth
6. Complete name and address of the requesting party
7. Number or copies needed
8. Purpose for the certification

yun result niyan makikita mo.. kung nakasal na sya or what. edi huli mo ahahahaa!

then kung anjan na talaga ang bata.keep that baby but much as possible wag papabuntis sa may asawa.. kawawa ang bata."


"regrets always comes late...pero nandyan na yan eh..anong magagawa ko...i'll accept it na lang...then syempre makikipag-usap pa rin ako sa kanya...***** mas tama kung makipaghiwalay na lang ako at ask na lang him to support our baby..."

Kelangan talagang maging sigurista bago ipagkaloob ang puso at ibuka ang binti (ginaya ko lang ang term sa taas). Kung di talaga mapigilan ang tawag ng laman mano man lang bumili ng Trust sa tindahan! Mahirap ang situwasyon dahil bukod sa naloko ka na ay hindi ka pa makakapaghabol. Madali lang naman malaman kung ang lalaki ay niloloko ka. Kapag masyado yang defensive sa mga past nya, may tinatago yan. Karaniwan sa mga mister na simasideline pa ay magdadahilan na binata sya, nagbreak na sila ng kasinatahan nya, diborsyado sya, hiwalay na sya o ang worst is patay na ang misis nya. Where in fact, BUHAY na BUHAY si misis at walang kamalay malay sa pinaggagawa ni mister. At utang na loob, wag maniniwala kahit sabihin pa ng lalaki na iiwan nya ang misis nya para lang sa iyo dahil kung nakuha nyang gawin yan sa misis nya, di malabong gawin din yan sa iyo (Karma?).

Sa tingin mo ba kakayanin ng konsensya mo kung alam mong habang ikaw ay nagsasaya may nawasak namang pamilya?

Siguro kung sa akin mangyayari yun, pagkatuklas ko pa lang na may asawa sya kahit may laman na ang tyan ko ay lalayo ako. OK lang dati dahil inosente ako at wala akong kamuwang muwang pero once na nalaman na ang tunay na situation. aware na ako na nakasira pala ako ng buhay. Buhay nung mister, buhay nung misis at kung may anak sila pati buhay ng mga bata.. HIndi ko rin ibibigay ang karapatan ng tatay sa anak ko. Kung pinagkait nya sa akin ang katotohanan, ganon din sya sa karapatan ng bata. Makakaya kong buhayin ang anak ko. Paano kung nagpumilit na magbigay ng suporta ang mister? Hindi ko pa rin tatanggapin. Bakit? Maawa ako sa asawa nya. Habambuhay yun tatatak sa isip ng misis nya. At baka pagsimulan pa yun ng alitan nila. Pwede naman magsimula ng panibagong buhay at makatagpo ng isang lalaking tunay na magmamahal ng walang kasinungalingan...

Whew! ang haba. Basta ang masasabi ko lang kawawa naman ang nasa ganitong situawyon pero masosolve pa rin naman ang problema basta itama ang mali at wag ng manira ng pamilya.

Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon