Saturday, February 26, 2005

Ang Memory Stick at Ang Camera

May mga bagay na akala mo wala sa iyo, pero pagtagal ng panahon, marerealize mo na lang na all this time nasa iyo na pala ang hinahanap mo, pero sa kabila noon, hindi mo pa rin matanggap na nasa iyo na dahil napakarami pa ring katanungan...

Masasabi ko bang matagal na ang 3 taong pagkakaibigan para masabi kong kilala ko na ng lubusan ang isang tao? Paano kung sa loob ng 3 taon, hindi naman kami nag-uusap lagi.. at hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakikita? Pwede ko bang pagtiwalaan lang ang nararamdaman ko para masabi kong mabait syang tao at mahalaga sya para sa akin bilang kaibigan? Pwede ko na bang syang paniwalaan kung sabihin nyang mahal nya ako? Pwede ko na bang sabihin na mahal ko na rin sya dahil matagal ko na syang kaibigan? Pwede ko ba syang mahalin kahit hindi ko naramdaman ang Spark? Kaya ko na bang I let go ang taong naramdaman ko ng Spark dahil mas deserving ang kaibigan ko sa pagmamahal ko? Pwede ko bang sabihin na sya na ang hinihintay ko?

Ang daming tanong na di ko kayang sagutin. Sana naging kasing dali lang ito ng mga tanong na sinasagutan ko sa survey...

Naalala ko tuloy ang kanta na "The One You Love".

"Are you gonna stay with the one who loves you, are you going back to the one you love"...

Isang tanong na madaling sagutin pero mahirap gawin...



Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang oras para sagutin ko ang mga tanong ko... In time....

Wednesday, February 23, 2005

New Year's Wish

Nakatuwaan ko ng sumagot ng survey na pinopost sa bulletin board ng friendster. Dahilan? Una, pamatay ng idle time. Pangalawa, wala lang...

Syempre nung January 1 hindi nawala ang survey for New Year. Maraming tanong yun.. siguro mga 35... About things you regret last year, ayaw mong kainin, gusto mong makasama, wishes, and resolutions. As usual, sinagutan ko lahat ng questions. Isa mga questions na nagpaisip sa akin is yung "What do you want to have for 2005"? So sinagutan ko sya ng Job Promotion and a Boyfriend. Job Promotion kasi medyo naiinis na rin ako sa work ko at nagbabalak balak na rin ako magresign pag di pa ako umangat this year. Boyfriend naman... hehehehe (sos naman... taon na ang binibilang ko.. ayoko po maging old maid). After non, sinagutan ko na rin yun ibang questions tapos nipost ko na sa friendster..

After two months... dumating ang unang magandang balita... na-absorbed ako sa bagong dept. Though same group pero mas maraming challenges... Masaya ako kasi 3 months ko na rin syang hinihintay and aside from that lahat sa grupo nakasama. After 3 days, dumating ang 2nd good news... I was promoted... sa wakas! Medyo naging pasaway kasi ako 2 years ago.. so nung nagbagong buhay ako, sabi ko wag ko nang hingin.. kusa na lang yan ibibigay.. and heto na nga.. kusa ngang ibinigay.

Doon ko naalala yun survey. Abah, 2 months pa lang, me nagkatotoo na.. Di rin pala nasayang ang pagset ko ng goal.. at least isa sa kanila nagkatotoo...

Lesson, its ok to set goals every year.. at least you have something to aim for and if you think for positive results.. for sure, you can reach that goal.

How about my 2nd wish? Any possibilities?... Hmmm... Think positive!

Friday, February 11, 2005

Rose Garden

Tuwing umaga, nakasanayan ko ng ayusin yung mga preserved roses ko dito sa office. Parati kasi itong napapansin ng mga officemates ko, itapon ko na daw kasi malas daw magkeep ng tuyong bulaklak. Hindi ko na lang sila pinapansin kasi very memorable sa akin yun mga roses na yon..

Year 2002 nung nareceive ko yun 1st dozen ng roses... galing yon sa secret love ko, ang saya saya ko noon kasi that was the first time na nakareceived ako ng isang dosenang roses at take note red pa. Actually, he was outside the philippines (not to mention the country) that time and before he left, kinausap nya na yun flowershop na ideliver sa akin yun flowers on our monthsary...

Yung 2nd dozen nareceive ko the following month for my birthday. White nman...Galing naman yun sa ex-bf and bestfriend ko. Ang saya saya ko rin non.. Kaso in the long run, I found out na sila na pala...

Dahil nga sa very memorable sa akin ang mga roses na yun, nipreserve ko sya... so until now, dried sya pero buo pa rin ang leaves and petals nila. Pero syempre dahil sa umabot na sya ng 3 years, medyo nagbago na ang colors nya, yun red naging brown and yun white naging yellow...Last year nga para medyo magmukha syang fresh, pinintahan ko sya using water color pero tinamad ako at di ko na tinapos...

Kaninang umaga, nakita ko na naman yun nga roses ko... sabi ko 3 years na sya, hindi pa rin sya napapalitan. So nilagay ko sya sa status ng Yahoo Messenger ko, wala lang trip lang.

Kaninang 3:30, pinatawag ako sa lobby ng office ng officemate ko. Pagbaba ko, abah may dozen roses ako. White and Pink. Wala akong idea kung kanino galing... Unang una, walang nanliligaw, pangalawa, me mahal ako pero alam ko naman na imposible akong bigyan non (magpapamisa ako pag ginawa nya yon, at sobra tuwa ko syempre...) dahil me gf na sya. Pangatlo, hindi pa valentines (asa pa ha...).

Nag isip isip ako... Secret Admirer? Sino? Peace Offering? Hmmmm, pwede rin... pero impossible din dahil hindi ako binibigyan ng mga kaibigan ko ng roses...

Anyway...At least... I've learned na someone is thinking of me... na someone is caring for me... and someone is treating me very special... Whoever you are... Thank You...


Thursday, February 10, 2005

Ang Spark ni Piolo

Ganitong ganito ang pagkakadescribe ng spark ko... nadala ako sa isang ngiti...Kaso hindi nga pwede.. tsk, tsk, tsk. Bakit kaya may mga kantang fit para sa mga nangyari sa akin.. hmmm...

SANA IKAW
Piolo Pascual

Ikaw ay dumating bigla
sa aking mundo
Hindi inaakalang
ngitian mo ako
Para akong natunaw
sa lambing nito
Di ka na maalis sa isip ko...

*
Paano na ngayon?
Ako'y litong lito...
Bakit kaya ako
nahulog na sa iyo?
Pero meron ka nang
ibang minamahal...
Hindi naman mahati
ang puso...

**
Kaya pag-ibig, pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa iyo
Diba't nararapat sa iyo
Pag-ibig na buong buo
'Di ko makakayang
may saktan na iba
Kaya't ikaw ay
mananatili na lang
Sa damdamin
at aking isipan
Iguguhit kita sa alaala...
Pagkat tayo ay hanggang
panaginip lamang.

Saturday, February 05, 2005

Music and Me

Mahilig akong makinig ng music. Araw araw, palagi kong pinapatugtog yung mga MP3 na galing sa server ng Systems. Sobrang dami non na kahit magpatugtog ka maghapon, walang mauulit. Pero pili lang ang mga gustong kong kanta doon. Pinipili ko kasi ang kanta based sa lyrics nya, kapag medyo nakakarelate ako, nagiging paborito ko na sya. Minsan nga natatawa ako kasi me mga kanta na parehong pareho ng nangyayari sa buhay ko. Wala lang, parang nananadya. Me mga kantang paborito ko lang for a period of time, meron naman mula High School ako, gusto ko na sya. So far heto ang mga gusto kong kanta sa ngayon:

Getting To Know Each Other
Ariel Rivera

I call you and you call me
It's funny how we get on so easily
We're just friends aren't we
You've got yours, I've got mine
And friends are all we ever could be

( But ) We're getting to know each other
A little too well
( Getting to know each other )
( A little too well )
We're starting to show our feelings
And people can tell
( Ooh, people can tell )
Ev'ry time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other
A little too well...
( Getting to know each other )
( A little too well... )

We have lunch ev'ry now and then
And I find myself humming love songs
Again and again...
Too many nights I'm workin' 'till ten
And I hope that you know
That It's hopeless to go on when...
( Repeat chorus except last line )
( Getting to know each other... )
Getting to know each other...
A little too well...
( Getting to know each other... )
( A little too well... )


Falling
Keahiwai

I wanna tell you baby
You're the one that Im thinking of
But your heart is still with her
And I think she's the one that you love
I only want you happy
Even if it's not with me
Maybe one day
You'll open up your eyes and you'll see

[Chorus]
That I think Im falling
Maybe I'm falling for you
Yeah I think Im falling
Baby Im falling for you

[Verse 2]
From the first time
You laid your lips on mine
It feels like the smile on my face
Will last till the end of time
But Im not so sure
That you're the one that I should pursue
My mind tells me no
But my heart only says that it's you

[Chorus]

Bridge:
Only time will tell
The mystery has yet to unfold
Who's gonna feel love's warmth
And the other left in the cold

[Chorus]
Yet still I'm falling
Maybe im falling for you
yeah I think Im falling
Baby I'm falling for you
That I think Im falling
Maybe I'm falling for you
yeah I think Im falling
Baby Im falling for you



Maybe
(Geneva Cruz)

There I was waiting for a chance
Hoping that you'll understand
The things I wanna say

As my love went stronger than before
I wanna see you more and more
But you closed your door
Why don't you try to open up your heart
I won't take so much of your time

Chorus 1:
Maybe, it's wrong to say please love me too
'Coz I know you'll never do
Somebody else is waiting there inside for you
Maybe it's wrong to love you more each day
'Coz I know she's here to stay
But I know to whom you should belong

I believed what you said to me
We should set each other free
That's how you want it to be

But my love went stronger than before
I wanna see you more and more
But you closed your door
Why don't you try to open up your heart
I won't take so much of your time

Chorus 2:
Maybe, it's wrong to say please love me too
'Coz I know you'll never do
Somebody else is waiting there inside for you
Maybe it's wrong to love you more each day
'Coz I know she's here to stay
But my love is strong
I don't know if this is wrong
But I know to whom you should belong


WHY CAN'T IT BE
Rannie Raymundo

You came along, unexpectedly
I was doing fine in my little world
Oh baby please don't get me wrong
'Cause I'm not complaining
But you see, you got my mind spinning

REFRAIN:
Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At a wrong place, at a wrong time
Or was it me

Baby I dream of you every minute
You're in my dreams
You're always in it
That's the only place I know
Where you could be mine
And I'm yours but only
Till I wake up

REFRAIN:
Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At a wrong place, at a wrong time
You came along
At a wrong place, at a wrong time
Or was it me


Thursday, February 03, 2005

Spark Plug

Spark - \Spark\, v. i. -

- A small particle of fire or ignited substance which is emitted by a body in combustion.

- That which, like a spark, may be kindled into a flame, or into action; a feeble germ; an elementary principle.

- small but noticeable trace of some quality that might become stronger; "a spark of interest"; "a spark of decency"

Ano nga ba ang titatawag na spark? Spark sa electrical wiring, Spark sa lusis, Spark Plug ng sasakyan? Mas gusto ko ang definition na may "small but noticeable trace of some quality that might become stronger". Marahil ay maihahalintulad ko ito sa naramdaman ni Claudine nung sininok sya sa Got To Believe o kaya naman yun naramdaman nina Romeo and Juliet nung magkita sila sa party. Para akin, nagkakaroon ng spark kapag may isang moment na nagpahinto ng mundo mo at pagkatapos noon, malalaman mo na lang na ang taong yon ang gusto mong makasama habang buhay. Magigising ka na lang na sa kanya na pala umiikot ang mundo mo, wala ka ng ibang bukambibig kundi sya at ginagawa mo na ang lahat ng anumang bagay na makakatulong at makakapagpasaya sa kanya. Kulang na lang ay isigaw mo sa buong mundo kung gaano sya kaspecial sa iyo. Nakakatawa hindi ba, pero yun ang totoo. Ang spark na binabanggit ko ay di mo mararanasan sa lahat ng tao. Dumarating din ito ng di mo inaasahan. Dumadating sa di inaasahang lugar, panahon o minsan tao.

Subalit, palagi bang tama ang Spark? Yan ang palagi kong tinatanong sa sarili ko. Kung talagang yun ang magsasabing ang taong yon ang makakasama mo habang buhay bakit minsan hindi naman pwede? Dahil ba hindi pa ngayon ang tamang panahon o lugar? Paano kung hindi pala sya ang tamang tao? Maaari bang mangyari yon?

Marahil nga, pero syempre wala pa ako sa lugar para magpatunay non. Basta ang importante, nakita ko na ang spark buhay ko. Marahil hindi pa nga ito ang tamang panahon, pero who knows... Basta maghihintay pa rin ako.


Wednesday, February 02, 2005

Tula Mula sa Sumisintang Makata

Hindi ko akalaing dito patutungo,
Lihim na pagtinging itinatago ng puso ko,
Laking tuwa ko ng aking mapagtanto,
Na ikaw, katulad ko'y may pag-ibig ding itinatago.

Pangako ko sa iyo aking minamahal,
Pag-ibig ko'y di magmamaliw, mundo man ay magunaw,
Lagi kang gagabayan sa hirap ng buhay,
Kailama'y di maghahanap ng anumang kabayaran.

Sapagkat ang pag-ibig na sa iyo'y inaalay,
Sadyang wagas at busilak, dalisay magpakailan pa man,
Nakahandang magpasakit, magsakripisyo at masaktan,
Kung ang kapalit noo'y kaligayahan mo aking mahal.

Subscribe Now: Feed Icon