Good news mga mommy!
Posibleng maging 4 buwan ang dating 2 buwan na maternity leave na prebilihiyo ng mga nanganganak.
Ito ang panukalang inihain ni Sen. Antonio Trillanes IV. Sa Senate Bill 2383 ni Sen. Trillanes, ikinatuwiran nito na mahalaga ang ginagampanang papel ng mga kababaihan sa ‘nation-building’ at dapat lamang mapangalagaan ang kapa kanan ng mga ito lalo pa’t dumaan sila sa panganganak.
Ang tanong, umayon kaya dito ang mga kumpanya lalo na ang mga nasa private? Hindi kaya masyadong matagal ang 4 months lalo na't paid ito? Meron kayang gagawing hakbang ang SSS or GSIS para iadjust ang benefits nila?
Pero para sa akin, sana matuloy ito para sa ikabubuti ng mga ina at ng kanilang mga baby.
Subscribe to Little Girl Blues by Email
No comments:
Post a Comment