Monday, June 16, 2008

GMA's No Uniform Policy

Engot tong si GMA, pagbaba kaya ng presyo ng gasolina ang atupagin nya hindi yang mga kung anu anong kaistupiduhang idea yang pinagbibigay nya.

Karamihan ng mga studyante sa pinas ay mahihirap, tuwing pasukan nakakuha ng uniform ang mga public school students sa pamamagitan ng: (1) pabigay ng kanilang baranggay o munisipyo, (2) hand-me-down galing sa kapatid, kamag anak, kapitbahay, o kahit kanino, (3) patahi. Karamihan sa kanila ay merong 1-2 pares ng uniform lamang.

Dahil sa kakontian ng uniform nila, karamihan ay wash and wear lang, yun tipong pagkahubad laba agad. Kung tutuusin tipid ito sa karamihan dahil iyon ang susuutin nila sa araw araw.

Dagdag pa dito ang seguridad ng mga bata. Sa internetan, hindi pinapapasok ang mga batang nakauniform kapag oras ng klase. Bawal din sila sa bilyaran at mga malls

Ngayon kung ipapatupad ang civilian, mas hindi yan afford ng mga magulang. Sino ba naman ang magkakagusto na mag araw araw ng damit?? Karamihan sa mga batang iyan, nagkakaron lang ng bagong damit kapag pasko o bday. Buti naman kung pagsuotin sila ng pambahay yun tipong tshirt at short ok na. Idagdag pa dito ang mga epal na teacher na hihigpitan pa ang mga studyante at oobligahing magsuot ng shirt na may kwelyo at magsapatos para magmukhang "neat".

Pagdating naman sa mga high school students marami dyan ang mga sobrang fashionista na porket bago at magaganda ang suot ng kaklase eh pipilitin ang mga magulang na bumili ng bagong damit kahit na ang mga magulang eh gumagapang na sa katatrabaho at lubog na sa utang. Tapos kapag hindi napagbigyan, magmamaktol! Hay naku!



Subscribe to Little Girl Blues by Email

1 comment:

Orlando Rubio said...

Good Post but you could have include "Putang Ina, Tarantado, " and more.
Buzz in Hollywood

Subscribe Now: Feed Icon