Ako: Manong, ano po yun, bakit madaming matatanda at saka ano yun tinatawag na numbers?
Manong Pedicab: Ah yun ba, sweldo ngayon ng mga senior citizens. Binibigyan sila 1000 pesos.
Ako: 1000 pesos wow naman! Para na din silang pensionado ng gobyerno!
Pedicab: Oo, 3 beses sa isang taon sila kung makatangap. Tuwing ika-apat na buwan. Pero makati lang ang gumagawa nun.
Ako: Sana sa ibang municipalities din meron din nyan...
Bukod sa 1000 pesos na natatanggap nila, meron pa silang cake tuwing birthday or wedding anniversaries, P3,000 burial assistance at libreng sine! O san ka pa!
At least naman sa haba ng panahon ng pinagtrabaho nila, naranasan din nilang ma-enjoy ang tax na nakaltas sa kanila.
Subscribe to Little Girl Blues by Email
1 comment:
ang ganda naman ng bagong bahay mo. salamat at pinaalala mo sa kin na kelangan kong ilagay ang link mo sa blogroll ko. pakibago na rin ang link ko to http://mommyba.com.
dapat naman talagang pangalagaan ng gobyerno ang ating mga senior citizens. haaaay! marami pang dapat baguhin pero ang tanong eh kung kelan mangyayari yun.
Post a Comment