Sa huwes man o sa simbahan, iisa ang sinusumpaan ng mag asawa.
"I, ___ take you, ___ for my wife/husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."
Nagsumpaan silang magsasama habang buhay. Kahit anong mangyari sila pa rin...
Ang kasal ay isang seremonya kung saan pinagbubuklod ang dalawang nilalang, sa harap ng batas, sa harap ng tao at sa harap ng Diyos (para sa mga Kristyano). Kung tutuusin napakasagrado ng seremonyang ito.
Bata pa lang ako, pinamulat na sa akin ang kahalagahan ng kasal. Para sa akin, ito ang nagbubuklod sa dalawang nilalang para maging isa at makapagtaguyod ng isang masayang pamilya. May mga pagkakataon na merong mga mag asawa na hindi nabibiyayaan ng supling, subalit hindi pa rin yon hadlang para sila ay hindi matawag na pamilya.
Lumaki ako sa pamilyang punung puno ng pagmamahal at pagpapahalaga. isang taon pa lang ako nasa malayo ang tatay ko para magtrabaho, naging matapat sya sa nanay ko. Dalawang taon pa ang nakalipas bago ako isinilang, pero hindi yun nakapagpabago sa pagsasama nila kahit nasa Mindoro ang tatay ko at minsanan lang kung umuwi. At hanggang ngayon kami'y nanatiling buo. Noong umabot ako sa kolehiyo, muli itong nabigyang halaga ng psychology teacher ko. Hindi rin ako naniniwala sa live in. Ang sabi ko sa sarili ko, balang araw, kapag nakatagpo ako ng nilalang na para sa akin ay mamahalin ko ng buong buo. Mamumuhay ako ng naaayon sa batas ng tao, at ng sanlibutan. . Pagpapahalagahan ko ang kasal dahil iyon ay sagrado.
Pero bakit may mga taong hindi naniniwala o nagpapahalaga sa kasal?
Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan ang hiwalayan... iba't iba ang dahilan. May nagbabago ang isip, may nambabae, may nakakabuntis ng iba, may nambubugbog, may nanlalalake at iba pa. Bakit kahit kinasal na sila naiisipan pa rin nila ito? Dahil ba sa kawalan ng respeto? Kawalan ng pagmamahal? O walang pagpapahalaga sa sinumpaan?
Nakakalungkot isipin.... ilang na lang ba ang tao sa mundo ang naniniwala sa kasal? Mga taong nagbibigay respeto dito? Nakakalungkot pero siguro nabibilang na lang sa daliri...
Ang kasal ba sa ngayon ay maituturing na sa papel na lang? Kadalasan ko yang naririnig. Sa papel lang yan!!! Ang sakit pakinggan. Hindi ka naman pumayag magpakasal kung hindi mo mahal ang pakakasalan mo di ba. Hindi ka manunumpa kung wala ka naman balak magtagal. Hindi ka manunumpa kung hindi ka rin maninindigan. Pinipilit mong magpakabuti pero sadyang may mga taong walang respeto sa kasal at sa kapwa.
Posible kaya na may kinalaman ang kinagisnan ng isang nilalang? Posible ba na kapag lumaki sa broken family ang isang tao ay mawalan sya ng respeto sa kasal o sa kanyang asawa? Siguro...
Subalit hindi ko naman sinasabi na ang isang tao ay magpakaperpekto. Paminsan minsan ay nagkakamali rin. Subalit ang pinakaimportante ay ang marealize ang pagkakamali. Humingi ng tawad sa asawa (o kung di man masabi, bawiin sa ibang bagay), at wag ng uliting muli ang ginawang kasalanan. Magsilbing liksyon na ang pagloloko at kawalan ng respeto sa asawa ay walang maidudulot na buti sa ating buhay.
Mahalin ang asawa, mahalin ang pamilya. Magbigay ng respeto at pagmamahal para sa tahimik at maligayang pagsasama.
2 comments:
Salamat sa post mo, aaminin ko guilty ako sa pagiging tapat sa asawa ko. Pero may pagkakataon pa magbago at na realize ko din naman ang kamalian ko.
Salamat din po sa pagdalaw. Nakakalungkot kasi isipin na ganon na lang ang pananaw ng iba sa kasal. Hindi maiwasan sa tao ang magkamali. Ang importante lang naman ay yung mayroong natututuhang leksyon at hindi na inuulit ang ginawang kasalanan.
Minamahal ang asawa at nirerespeto. Parati nating tatandaan na sila ang kadugtong ng ating buhay. Sa gitna ng problema, walang ibang kakampi kundi ang asawa pa rin..
Post a Comment