Friday, May 29, 2009

Hayden Kho: Persona Non Grata?

Sa ginawang kabulastugan ni Hayden, marami ang nanghamak sa kanya. Sinabihan syang, bastos, manyak, addict, demonyo...

Kung tutuusin, personal kong nasilip ang mga videos lalo na yung kay Maricar, at masasabi ko ngang medyo nakakasindak ang mga kilos nya doon. At knowing na intensyon nya talaga na ivideo ang pakikipagtalik nya sa mga babae.

Maraming nagsasabi na bukod sa napalabas na sex video ay meron pang 40 kaugnay ang ibat ibang showbiz personalities. Kung sinu sino man ang mga ito... hindi pa natin alam..

40? Medyo nasa pagkamanyak na nga ang ganoon. Nasikmura nyang makipag "you know" sa napakaraming babae? Ibig sabihin, higit pa sa 40 ang nabastos nya at hindi sineryoso. Sinamantala ang pagkagusto sa kanya ng babae at di pa nakuntento, vinideo pa.

Pero bakit si Hayden Kho lang ang napaparatangan sa ngayon? Ang kinaiinisan ko, ang lakas ng loob nitong si Sen. Bong Revilla eh di ba wala rin naman syang pinagkaiba kay Hayden Kho? Napakaraming nyang panganay sa iba't ibang babae, ang pinagkaiba nga lang ay hindi nakavideo, pero ang act ng pangbabastos at pagsasamantala ay ganon din? Mas malala pa nga si Bong Revilla dahil ang anak ay habambuhay na pasanin ng ina. Of course sino ang babaeng may gustong maging kabit hindi ba? At hindi rin nila ginusto na magkaroon ng anak sa may asawa.

Ibabalik ko ang tanong... Dapat bang iconsidered as Persona non Grata si Hayden Kho? Ang sagot ko OO, Isama na itong si Bong Revilla, ang "Kilala KO" at ang lahat ng mga lalaking walang respeto sa kanilang asawa, girlfriend at sa lahat ng babae.

Tama si Hayden na hindi sapat ang sorry sa nagawa nya.. sana narinig din ito ng "Kakilala KO" na nagpupumilit na nagsorry na daw sya kaya dapat patawarin na raw sya.

Sana mahumiliate din sila ng publiko gaya ng pagkahiya ngayon ni Hayden. Sana bumalik din sa kanila lahat ng pambabastos nila...



Subscribe in a reader

Tuesday, May 26, 2009

Agaw agaw

"Yan ang napapala ng mga nang aagaw ng boyfriend.." - Dra. Vicky Belo

Panalo!

Yan ang tinatawag na bad karma....



Subscribe in a reader

Sunday, May 10, 2009

Happy Mother's Day

Happy Mother's day ma. I love you!


PS.
Hindi ko alam na nadisabled ko pala yun comment kaya pala wala ako nakukuha. Salamat Ate Betcha sa pagnotice!

Pwede na po kayp magiwan ng comments :)

Subscribe in a reader

Tuesday, May 05, 2009

4 years

Four years of love, joy, pain, sorrow, suffering, mistrust....


how long should you hold on?

how soon should you let go?

How do you move on?


This is a story

about how true love

waits for

holds on






Subscribe in a reader

Tuesday, April 21, 2009

Telenovela Review: Dapat Ka Bang Mahalin?

Kahapon, habang tambay sa bahay, napagpasyahan kong manood ng TV. Ngayon ko lang nalaman na may remake pala ang "Dapat Ka Bang Mahalin" ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Since na medyo nakalimutan ko na yun original kwento, pinakwento ko yun kasambahay namin at medyo naging interesado ako.

Heto ang Plot ng "Dapat ka bang Mahalin" movie from wikipedia:

Even though his family is broken, Lito got everything he wanted. All the material possessions, the girls, and the fun. Myrna is a straight "A" student coming from a devoted religious family. When Lito started to court Myrna, she immediately falls in love with him. Myrna's family doesn't like Lito, especially Myrna's father. Causing them to hide their relationship. Their roller coaster of emotions lead from one thing to another until they slept together. These two teenagers are suddenly flung into the world of marriage when Myrna discovers that she is pregnant. Myrna tries to hold everything together. She defends her decision to stay with Lito to the whole world convincing herself that Lito is with her in every step of the way. But she knows she can't fool the world, not even herself. Lito still does not hold responsibility. Especially when Myrna gets a miscarriage. she falls depressed about her miscarriage, mean while Lito starts hanging out with his no good friends again, which leads to an affair with an older woman, Glacilda; Lito's bestfriends sister. Glacilda seeks attention from Lito, who looks exactly like her late husband; William. She carries the burdens of their love all by herself but Myrna later starts to question Litos infidelity. Myrna asks herself if she's even supposed to love Lito? Or will she go on all by herself?


Nakakalungkot naman ang storya. Parang gusto kong batuk batukan yun mister! Napaka iresponsable! Pero syempre sa movie magbabago si Lito at magiging masaya ang buhay nilang mag asawa....

Kapag ganito ba ang sitwasyon, sa parte ng Misis, kelangan bang manindigan sa asawa kahit ganyan na ang pinaggagagawa? Iresponsable, mabarkada, nambababae, etc etc. Hindi ba ito kamartiran? O sadyang pagkilala lang ito sa kasal? Gaya nga ng nabangit ko sa Sanctity, pag tupad lamang ito sa sinumpaan at syempre pagmamahal para sa kabiyak.

At sa mister, parte lang ba ito ng pagiging immature? Talaga bang may panahon pa para magbago o tuluyan maging walang kwentang Mister..Ano ba ang lumalabas sa kukote nila bakit nakakagawa sila ng ganito? Sa kabila ng pagmamahal na binubuhos sa kanila ng kanilang misis. Sa kabila ng sakripisyo na ginagawa to the point na makalaban na ang sariling pamilya para lang makasama ang asawa.... Ano bang utak meron sila?

Hay naku...






Subscribe in a reader

Sunday, April 19, 2009

Ang Pagiging Mabuting Mamamayan

Alam na natin lahat ang nangyari sa pamilya ni Ted Failon. Kung tutuusin kung nangyari ito sa isang ordinaryong pamilya. Palabasin lang na nagsuicide yun misis wala na. Hindi na pag uusapan. Pero bakit ito nararanasan ng pamilya nila? Dahil ba sa isang public figure si Ted? At ito na ang tamang time para resbakan sya ng mga taong binatikos nya?

Kung tutuusing bilang tagapagbalita alam nating lahat na ginagawa lamang ni Ted Failon ang tungkulin nya. Bilang isang responsableng mamamahayag wala syang kinikilingan. Kung may lumabag sa batas kailangang batikusin. Wala naman masama doon di ba? Sinisiwalat lang nya ang katotohanan...

Minsan may mga bagay sa mundo na nakakapagtaka. Nakakalungkot kasi ikaw na ang gumagawa ng tama, ikaw pa ang pinaparusahan. Ikaw pa ang nagmumukhang masama. Ipinaglalaban mo lang naman ang tama, ipinaglalaban mo lang naman ang katotohanan.
Pero ano ang ganti nila sa iyo? Ikaw pa ba ang dapat sumuko? Ikaw pa ba ang dapat magparaya? Kailangan mo ba silang pagbigyan sa kasalanang pinaggagawa nila? Hindi!!


May magandang karmang nagaabang sa mga taong naniniwala sa katotohanan at namumuhay ng naayon sa batas ng tao at sanlibutan. At para din sa mga nagkakasala... may masamang karma ding naghihintay para sa kanila.


Subscribe in a reader

Saturday, April 18, 2009

Situational eklavu para sa mga Single Ladies

Anong gagawin mo kapag nabuntis ka at tsaka mo lang nalaman na may asawa na pala ang boyfriend mo?


Hmm mahirap sagutin yan.... Isa kang dalaga na walang ibang pinangarap kundi matagpuan ang prinsipe ng iyong buhay. Heto si lalaki, nagpakilala bilang single and available. Gagawin ang lahat para paibigin ka at ihihiga ka sa malarosas na kama pakalipas ng ilang araw para makamit ang minimithing ... ehem! Pagkatapos makalipas ng ilang buwan, magsusuka ka, magpapatingin sa doktor, may laman na pala. Hihilingin mo ngayon sa "boyfriend" mo na pakasalan ka, yun pala hindi pwede dahil may sabit na sya.

Tapos sasabihin mo sa sarili mo, "ang t@nga-t@nga ko..pumatol ako sa may asawa?? then nag pabuntis pa.. darn!"


Napakasaklap! Hiningi ko ang opinyon ng mga kadalagahan hingil sa isyung ito at heto ang kanilang mga sagot:

"I am single. If ever I will be impregnated by a married man, I will keep the baby and won't ask from the father for any financial support. I can support the baby by myself. I won't even allow my child to use his father's name even if it’s already allowed by law. I won't even allow my child to know who his father is because I don't want him to recognize a deceitful man as his father. Deceitful because I only came to know that he is married after we were already sexually involved and carrying his child. Thank you na lang sa sperm nya at nagkababy ako. It is my fault also since I did not investigate his character and status before opening up my legs to him."


"Single: I'll deal with me being pregnant. No blame for anyone. If i do find out that my bf is already married to someone else then i'll accept that fact...needless to argue about it. I'll get out of his life or he gets out of mine because i cant stand liars and i wont put up with it. I will raise the child by myself and give it all the love i could.

and i will thank the Lord for blessing me with a child...to me that is the most precious gift i will receive...with a partner or without."



"maybe kilalain mo muna mabuti yun karelasyon mo, the real status.bago mo ispread yan mga binti mo.kung serious relationship talaga at aware ka. then contraceptives eh hindi kayo gumagamit..mag isip isip ka na
punta ka NSO check
CENOMAR - Certificate of No Marriage Record
The following are the information one needs to provide in securing a CENOMAR:

1. Complete name of the person to be certified
2. Complete name of the father
3. Complete maiden name of the mother
4. Date of birth
5. Place of birth
6. Complete name and address of the requesting party
7. Number or copies needed
8. Purpose for the certification

yun result niyan makikita mo.. kung nakasal na sya or what. edi huli mo ahahahaa!

then kung anjan na talaga ang bata.keep that baby but much as possible wag papabuntis sa may asawa.. kawawa ang bata."


"regrets always comes late...pero nandyan na yan eh..anong magagawa ko...i'll accept it na lang...then syempre makikipag-usap pa rin ako sa kanya...***** mas tama kung makipaghiwalay na lang ako at ask na lang him to support our baby..."

Kelangan talagang maging sigurista bago ipagkaloob ang puso at ibuka ang binti (ginaya ko lang ang term sa taas). Kung di talaga mapigilan ang tawag ng laman mano man lang bumili ng Trust sa tindahan! Mahirap ang situwasyon dahil bukod sa naloko ka na ay hindi ka pa makakapaghabol. Madali lang naman malaman kung ang lalaki ay niloloko ka. Kapag masyado yang defensive sa mga past nya, may tinatago yan. Karaniwan sa mga mister na simasideline pa ay magdadahilan na binata sya, nagbreak na sila ng kasinatahan nya, diborsyado sya, hiwalay na sya o ang worst is patay na ang misis nya. Where in fact, BUHAY na BUHAY si misis at walang kamalay malay sa pinaggagawa ni mister. At utang na loob, wag maniniwala kahit sabihin pa ng lalaki na iiwan nya ang misis nya para lang sa iyo dahil kung nakuha nyang gawin yan sa misis nya, di malabong gawin din yan sa iyo (Karma?).

Sa tingin mo ba kakayanin ng konsensya mo kung alam mong habang ikaw ay nagsasaya may nawasak namang pamilya?

Siguro kung sa akin mangyayari yun, pagkatuklas ko pa lang na may asawa sya kahit may laman na ang tyan ko ay lalayo ako. OK lang dati dahil inosente ako at wala akong kamuwang muwang pero once na nalaman na ang tunay na situation. aware na ako na nakasira pala ako ng buhay. Buhay nung mister, buhay nung misis at kung may anak sila pati buhay ng mga bata.. HIndi ko rin ibibigay ang karapatan ng tatay sa anak ko. Kung pinagkait nya sa akin ang katotohanan, ganon din sya sa karapatan ng bata. Makakaya kong buhayin ang anak ko. Paano kung nagpumilit na magbigay ng suporta ang mister? Hindi ko pa rin tatanggapin. Bakit? Maawa ako sa asawa nya. Habambuhay yun tatatak sa isip ng misis nya. At baka pagsimulan pa yun ng alitan nila. Pwede naman magsimula ng panibagong buhay at makatagpo ng isang lalaking tunay na magmamahal ng walang kasinungalingan...

Whew! ang haba. Basta ang masasabi ko lang kawawa naman ang nasa ganitong situawyon pero masosolve pa rin naman ang problema basta itama ang mali at wag ng manira ng pamilya.

Subscribe in a reader

Story of Marriage

MARRIAGE

When I got home that night as my wife served dinner, I held her hand and said, I've got something to tell you. She sat down and ate quietly. Again I observed the hurt in her eyes.

Suddenly I didn't know how to open my mouth. But I had to let her know what I was thinking. I want a divorce. I raised the topic calmly.

She didn't seem to be annoyed by my words, instead she asked me softly, why?
I avoided her question. This made her angry. She threw away the chopsticks and shouted at me, you are not a man! That night, we didn't talk to each other. She was weeping. I knew she wanted to find out what had happened to our marriage. But I could hardly give her a satisfactory answer; she had lost my heart to Dew. I didn't love her anymore. I just pitied her!

With a deep sense of guilt, I drafted a divorce agreement which stated that she could own our house, our car, and 30% stake of my company.

She glanced at it and then tore it into pieces. The woman who had spent ten years of her life with me had become a stranger. I felt sorry for her wasted time, resources and energy but I could not take back what I had said for I loved Dew so dearly. Finally she cried loudly in front of me, which was what I had expected to see. To me her cry was actually a kind of release. The idea of divorce which had obsessed me for several weeks seemed to be firmer and clearer now.

The next day, I came back home very late and found her writing something at the table. I didn't have supper but went straight to sleep and fell asleep very fast because I was tired after an eventful day with Dew.

When I woke up, she was still there at the table writing. I just did not care so I turned over and was asleep again.

In the morning she presented her divorce conditions: she didn't want anything from me, but needed a month's notice before the divorce.
She requested that in that one month we both struggle to live as normal a life as possible. Her reasons were simple: our son had his exams in a month's time and she didn't want to disrupt him with our broken marriage.

This was agreeable to me. But she had something more, she asked me to recall how I had carried her into out bridal room on our wedding day.

She requested that everyday for the month's duration I carry her out of our bedroom to the front door ever morning. I thought she was going crazy. Just to make our last days together bearable I accepted her odd request.

I told Dew about my wife's divorce conditions.... She laughed loudly and thought it was absurd. No matter what tricks she applies, she has to face the divorce, she said scornfully.

My wife and I hadn't had any body contact since my divorce intention was expli cit ly expressed. So when I carried her out on the first day, we both appeared clumsy. Our son clapped behind us, daddy is holding mummy in his arms. His words brought me a sense of pain. From the bedroom to the sitting room, then to the door, I walked over ten meters with her in my arms. She closed her eyes and said softly; don't tell our son about the divorce. I nodded, feeling somewhat upset. I put her down outside the door. She went to wait for the bus to work. I drove alone to the office.

On the second day, both of us acted much more easily. She leaned on my chest. I could smell the fragrance of her blouse. I realized that I hadn't looked at this woman carefully for a long time... I realized she was not young any more. There were fine wrinkles on her face, her hair was graying! Our marriage had taken its toll on her.. For a minute I wondered what I had done to her.

On the fourth day, when I lifted her up, I felt a sense of intimacy returning. This was the woman who had given ten years of her life to me.

On the fifth and sixth day, I realized that our sense of intimacy was growing again. I didn't tell Dew about this. It became easier to carry her as the month slipped by. Perhaps the everyday workout made me stronger.

She was choosing what to wear one morning. She tried on quite a few dresses but could not find a suitable one. Then she sighed, all my dresses have grown bigger. I suddenly realized that she had grown so thin, that was the reason why I could carry her more easily..

Suddenly it hit me... she had buried so much pain and bitterness in her heart. Subconsciously I reached out and touched her head.

Our son came in at the moment and said, Dad, it's time to carry mum out. To him, seeing his father carrying his mother out had become an essential part of his life. My wife gestured to our son to come closer and hugged him tightly. I turned my face away because I was afraid I might change my mind at this last minute. I then held her in my arms, walking from the bedroom, through the sitting room, to the hallway. Her hand surrounded my neck softly and naturally. I held her body tightly; it was just like our wedding day.

But her much lighter weight made me sad. On the last day, when I held her in my arms I could hardly move a step. Our son had gone to school. I held her tightly and said, I hadn't noticed that our life lacked intimacy...

I drove to office.... jumped out of the car swiftly without locking the door. I was afraid any delay would make me change my mind... I walked upstairs. Dew opened the door and I said to her, Sorry, Dew, I do not want the divorce anymore.

She looked at me, astonished, and then touched my forehead. Do you have a fever? She said. I moved her hand off my head. Sorry, Dew, I said, I won't divorce.. My marriage life was boring probably because she and I didn't value the details of our lives, not because we didn't love each other any more. Now I realize that since I carried her into my home on our wedding day I am supposed to hold her until death do us apart.

Dew seemed to suddenly wake up. She gave me a loud slap and then slammed the door and burst into tears. I walked downstairs and drove away.

At the floral shop on the way, I ordered a bouquet of flowers for my wife. The salesgirl asked me what to write on the card. I smiled and wrote, I'll carry you out every morning until death do us apart.

That evening I arrived home, flowers in my hands, a smile on my face, I run up stairs, only to find my wife in the bed - dead.



The small details of your lives are what really matter in a relationship. It is not the mansion, the car, property, the money in the bank, blah..blah...blah. These create an environment conducive for happiness but cannot give happiness in themselves.. So find time to be your spouse's friend and do those little things for each other that build intimacy. Do have a real happy marriage!

Friday, April 10, 2009

I am HAPPY

I believe in good and bad karma
I do not destroy relationships
I always speak for the truth
I am a family-loving person
I have a clear conscience
I am not hurting anyone
I am not a home wrecker
I save marriages
I am lookin good
I am feelin good
I am doin good
I am faithful
I am strong
I am Happy

Subscribe in a reader

Tuesday, April 07, 2009

Ang Kwento ng Love Birds

Mula ng bumalik ako sa bicol, palagi akong dumadalaw sa bahay ng lola ko. Napakasaya doon bukod kasi sa makukulit kong mga pinsan hindi doon nauubusan ng masasayang usapan. Palagi ko rin nilalaro ang mga pets doon. Meron silang aquarium na maraming goldfish at meron ding love birds.

Aliw na aliw akong pagmasdan ang mga love birds. Ang sweet kasi nilang tingnan (kaya nga love birds eh). Patalon talon lang at panay ang tutukaan, huni lang sila ng huni sa loob ng kanilang hawla.

Kamakailan pagbalik ko, napansin kong isa na lang yun ibon sa loob ng hawla. Tinanong ko kung nasaan na ang isa. Ang sabi ng tiyahin ko nabagsak daw ng pinsan ko yun hawla. Nabuksan iyon kaya nakawala yun lalaking ibon. Naiwan yun babaeng ibon. Hindi na nga daw kumakain at matamlay.

Pinagmasdan kong mabuti yun babaeng ibon. Sa isip isip ko, dyaskeng lalaking ibong yan. Nakakita lang ng pagkakataon ayun at kumawala na. Iniwan na ang partner nya. Ano na kaya ginagawa ng lalaking ibon na yun? Buhay pa kaya sya? Masaya ba sya? Namungad na kaya sya sa iba? Kawawa naman yun babae, naiwan sa hawla, hindi naman sya makaalis. Baka mamatay kasi hindi na kumakain. Nakakalungkot...

Pagbalik ko ng sumunod na linggo, nagulat ako dahil buhay pa ang ibon. Di pa rin gaanong kumakain subalit nanatili syang buhay. Patalon talon pa rin sya at humuhuni kahit mag isa.

Ibon lang sila pero nakakalungkot isipin kasi nangyayari rin ito sa buhay ng tao. Parang may isang lalaki, nakita lang ng pagkakaton, iniwan ang asawa at "namungad" sa iba. Naiwan si misis, nakatali sa pangalan nya, nakakulong sa hawla ng kasal, malungkot pero wala syang magawa..

Parang pantelenovela at medyo nakakatawang paghambingin pero may pagkakatulad hindi ba? Nasaan na yung lalaki? Meron pa bang natitirang ni katiting na konsensya sa katawan nya? Ang importante lang ay kung ano ang nararamdaman nila (saan?). Wala silang respeto sa nararamdaman ng asawa nila.

At para sa mga babaeng may katulad na sitwasyon, Nanatili man sya sa hawla ng kasal ay pinagpatuloy pa rin nya ang buhay nya.Unti unti, matatanggap din ito at patuloy na mabubuhay kahit wala ang walang kwentang asawa. Kahit hindi pwedeng magkaboyfriend o magkaanak sa iba.


Subscribe in a reader

Thursday, April 02, 2009

Sanctity of Marriage...

Sa huwes man o sa simbahan, iisa ang sinusumpaan ng mag asawa.

"I, ___ take you, ___ for my wife/husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

Nagsumpaan silang magsasama habang buhay. Kahit anong mangyari sila pa rin...

Ang kasal ay isang seremonya kung saan pinagbubuklod ang dalawang nilalang, sa harap ng batas, sa harap ng tao at sa harap ng Diyos (para sa mga Kristyano). Kung tutuusin napakasagrado ng seremonyang ito.

Bata pa lang ako, pinamulat na sa akin ang kahalagahan ng kasal. Para sa akin, ito ang nagbubuklod sa dalawang nilalang para maging isa at makapagtaguyod ng isang masayang pamilya. May mga pagkakataon na merong mga mag asawa na hindi nabibiyayaan ng supling, subalit hindi pa rin yon hadlang para sila ay hindi matawag na pamilya.

Lumaki ako sa pamilyang punung puno ng pagmamahal at pagpapahalaga. isang taon pa lang ako nasa malayo ang tatay ko para magtrabaho, naging matapat sya sa nanay ko. Dalawang taon pa ang nakalipas bago ako isinilang, pero hindi yun nakapagpabago sa pagsasama nila kahit nasa Mindoro ang tatay ko at minsanan lang kung umuwi. At hanggang ngayon kami'y nanatiling buo. Noong umabot ako sa kolehiyo, muli itong nabigyang halaga ng psychology teacher ko. Hindi rin ako naniniwala sa live in. Ang sabi ko sa sarili ko, balang araw, kapag nakatagpo ako ng nilalang na para sa akin ay mamahalin ko ng buong buo. Mamumuhay ako ng naaayon sa batas ng tao, at ng sanlibutan. . Pagpapahalagahan ko ang kasal dahil iyon ay sagrado.

Pero bakit may mga taong hindi naniniwala o nagpapahalaga sa kasal?

Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan ang hiwalayan... iba't iba ang dahilan. May nagbabago ang isip, may nambabae, may nakakabuntis ng iba, may nambubugbog, may nanlalalake at iba pa. Bakit kahit kinasal na sila naiisipan pa rin nila ito? Dahil ba sa kawalan ng respeto? Kawalan ng pagmamahal? O walang pagpapahalaga sa sinumpaan?

Nakakalungkot isipin.... ilang na lang ba ang tao sa mundo ang naniniwala sa kasal? Mga taong nagbibigay respeto dito? Nakakalungkot pero siguro nabibilang na lang sa daliri...

Ang kasal ba sa ngayon ay maituturing na sa papel na lang? Kadalasan ko yang naririnig. Sa papel lang yan!!! Ang sakit pakinggan. Hindi ka naman pumayag magpakasal kung hindi mo mahal ang pakakasalan mo di ba. Hindi ka manunumpa kung wala ka naman balak magtagal. Hindi ka manunumpa kung hindi ka rin maninindigan. Pinipilit mong magpakabuti pero sadyang may mga taong walang respeto sa kasal at sa kapwa.

Posible kaya na may kinalaman ang kinagisnan ng isang nilalang? Posible ba na kapag lumaki sa broken family ang isang tao ay mawalan sya ng respeto sa kasal o sa kanyang asawa? Siguro...

Subalit hindi ko naman sinasabi na ang isang tao ay magpakaperpekto. Paminsan minsan ay nagkakamali rin. Subalit ang pinakaimportante ay ang marealize ang pagkakamali. Humingi ng tawad sa asawa (o kung di man masabi, bawiin sa ibang bagay), at wag ng uliting muli ang ginawang kasalanan. Magsilbing liksyon na ang pagloloko at kawalan ng respeto sa asawa ay walang maidudulot na buti sa ating buhay.

Mahalin ang asawa, mahalin ang pamilya. Magbigay ng respeto at pagmamahal para sa tahimik at maligayang pagsasama.

Friday, August 29, 2008

Eheads Reunion Concert

Sa wakas makakapanood na ako ng concert ng eheads at take note sa reunion concert pa nila.

High school pa lang kasi ako super fan na ako ng eheads, naalala ko noon 4th year kami at palagi kong kinakanta at pinagparaktisan sa gitara ang toyang at pare ko. College ako nung makabili ako ng album ng eheads (katas ng scholarship allowance hehehhe)yun cutterpillow. Halos muntik ng kainin nung cassette yun tape kasi paulit ulit na lang sa pagplay..

College din ako nun nung nagkaroon ng concert ang Eheads sa Legazpi City. Super excited ako non at talagang pinamalita ko sa classmates ko.. ang kaso... gabi ng concert yun best friend ko na nangako na sasamahan ako nagback out!!!!!!!! Ayun hindi ako nakapanood tapos yun mga classmate ko na wlang ka interes interes eh sila pa ang natuloy at nasa unahan pa.

At sa hinaba haba ng panahon.. sino ba ang mag aakala na sa wakas ay may reunion sila... sa tulong ng aking friend na moderator ng The Dawn Listers na si Anjabel.. sinama nya ako sa VIP list ni Buddy (o di ba ang saya!!!!)...

Excited na talaga ako...super super super!!!!



Subscribe in a reader

Friday, August 08, 2008

Cebu Pacific, Its time Your Money Flies!

Last April, my friend requested me if I could use my credit card to purchase her ticket, so on April 14, 2008, i bought an online round-trip ticket to manila-singapore. However, much with my carelessness, I mistakenly inputed her last name on the first name field without checking it had it confirmed. The following day, I called the customer service hotline and I was infomed that its imposible to change the name so she advised to cancel the ticket instead, I was also told that I can get the refund in 4-6 weeks. On April 16, I cancelled the ticket and apply for a new one. On last week of May, my friend informed me that she needs to cancel the flight, so I had it cancelled through Cebu Pacific's website.


After six weeks, I was surprised to see that the refund was not reflected in my credit card statement.

I called the customer service hotline... after 45 minutes of listening to Cebu Pacific's jingle and recorded messages, finally I heared a live human voice (HORAY!).

I followed up on the refund's and found out that my refund request has not yet been attended to. After 6 weeks???? The CS told me that she already forwarded the request to their accounting department so I need to wait for it na lang. Still hoping that they would process my refund... I just said ok ang hung up.

After a month... there's still no refund reflected in my credit card statement. So I called Cebu Pacific again. The second time I followed up on the refund, And to my surprise, at the beginning of the call, the rep was clueless about my request and told me that they do not have those transaction numbers, losing my patience and with a high pitched voice, I said, I have a record of those transactions SO CAN YOU PLEASE CHECK?!!!! After 15 minutes, she found my transaction numbers and to my dismay, i was given the SAME RESPONSE. There was no progress at all, the account is still on que. She tried to calm me down by giving me the number to their accounting department, i took it down and called the number right after. GUESS WHAT. No one answers the phone! I gave up.

After four months, still no refund reflected in my credit card statement, I am getting the same response from their customer service and the sad part is... the credit card company is charging me interests for FOUR MONTHS NOW!!!!

So.. those who are planning to cancel their cebu pacific tickets.... think think think!!

ITS A BIG NO NO TO CANCEL YOUR TICKET, YOU WONT BE ABLE TO GET YOUR MONEY BACK!

Its part of their motto, "It's time everyone flies... if you wont be able to fly, they'll still let your money fly"!!!



Subscribe in a reader

Tuesday, July 01, 2008

New Core Hours

Nagkaroon ng bagong policy sa office namin.. from 9 sets of core hours, ginawang 3 na lang at imbes na 4 hours naging 6 hours. C1: 8am - 2pm, C2: 2pm - 8pm, at C3: 10am - 4pm. Ang buong grupo namin ay naassign sa C2. So kung dati ay pumapasok ako ng 11-8:30pm so dapat ngayon ay either 8am or 9 ako pumasok para hindi ma late. Kung dati rin ay kaltas lang sa sweldo ang ginagawa kapag nalate ka, ngayon ay buo pa rin ang sweldo mo pero may memo naman na naghihintay sa iyo.


Ngayon ang implementation ng bagong shift namin pero kahapon ako nagsimulang pumasok ng maaga para makondisyon ang katawan ko. Grabe ang hirap pala... mula sa paggising ng maaga, hanggang sa pakikipagsiksikan sa nag aabang ng jeep dahil rush hour. Hay hirap. Pero ang kagandahan naman ay maaga akong nakakauwi at madami akong nagagawa sa bahay..

Sana lang ay di ako tamarin gumising sa umaga para hindi ako mabiyayaan ng memo...





Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon