Tuesday, August 21, 2007

All time favorites

McDo, Jollibee, Pizza Hut, Chowking, Goldilocks, Burger Machine..... ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ko piniling manatili sa Evangelista. Ang tirahan namin ay napapaligiran ng pagkain! Mula sa mga sikat na fast food hanggang sa bulaluhan, tapsihan, pares, turu turo, barbequhan, kakanin, balot, pugo, mani, fishball, nilagang sweet corn at marami pang iba, hindi pa kabilang dyan ang 24-hour convenience stores na 7-eleven, Mercury Drug at South Star Drug. Hay.. pag ganito namang nagdidyeta ka eh talagang mahirap pigilan ang pagkain!

Pero sa lahat ng nabanggit ko, meron lang akong mga piling pagkain na gustung gusto ko (at ng kapatid ko hehehe).

Una sa listahan ko ang tapsilog. Kahit alas tres ng madaling araw ay makakabili ka ng tapsilog sa Spare Strike, 24 hours a day, 7 days a week bukas ang sikat na tapsilugan sa kanto ng Evangelista at Gen. Calles. Bukod sa napakasikat nilang tapsilog (tapa-sinangag-itlog), meron din silang tocilog(tocino-sinangag-itlog), dasilog(daing na bangus-sinangag-itlog), longsilog (longganisa-sinangag-itlog), porksilog (porkchop-sinangag-itlog) at ang hindi ko pa natitikman na horsilog, hors.. oo horse nga as in tapang kabayo.



Pangalawa sa aking listahan ang kinagigiliwan ngayon ng maraming tambay... ang calamares, ito ay ang hinati hating katawan ng pusit na ginulong sa breadcrumbs at pinirito. Ewan ko ba, ngayon ko lang kasi talaga napansin na mayroong nagtitinda ng calamares. At take note, palagi akong nauubusan kasi mabili talaga. Ngayon nga wala na naman ako nabili, wala tuloy ako maipost na pix.

Pangatlo sa aking listahan ang isaw na manok. Hindi ito yun barbeque na isaw. Gaya ng calamares, ito ay pinagulong din sa harina at pinirito. Kaya ang isaw... very crunchy! Bagay na bagay sa suka na may sibuyas at sili... hmm Yummy!



Naku nagutom na tuloy ako... kain muna ako ng tapsilog...

Sunday, August 19, 2007

Induction Cooker

Nabalita sa akin ngayon ng mama ko na meron daw Appliance Festival ngayon sa gaisano. Sa paglalakad nya, nakita nya ang isang kalan na may kakaibang way ng pagluluto. Tawag pa nga nya dito ay flameless range. Naging interesado ako kaya nagsaliksik ako dito sa net kung ano ba talaga ang flameless range.

Ayon sa wikipedia, ang flameless range or mas kilala sa tawag na "Induction Cooker" ay gumagamit ng "induction heat" sa pagluluto. Hindi lahat ng type ng kaldero at kawali gaya ng glass, aluminum ay pwedeng gamitin para dito. Ito ay gumagamit lamang ng "Ferromagnetic"- coated pot. (Pero sabi ng mama ko pwede na daw ang manipis na stainless heheh).

Ang induction cooker ay mas mabilis makapagluto kumpara sa mga gas range at mas maliit ang konsumo nito sa koryente kumpara sa isang electric stove. Hindi rin nakakapaso ang induction cooker. Kahit hawakan mo ang caserola mo na may kumukulong tubig ay hindi ka mapapaso. Isa pang maganda dito, kapag tinanggal mo ang caserola mo ay automatic itong namamatay (tamang tama ito sa aking kapatid na ubod ng ulyanin hehe).






Friday, August 17, 2007

OFW Snob

"To save on my ticket, I bravely took an economy class seat on Emirates as recommended by my travel agent. Ron excitedly told me to go for it - Emirates had won best economy class and some award. However I forgot that the hub was in Dubai and the majority of the OFWs (overseas Filipino workers) were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them."


"Call me whatever you like but when you are trapped in economy class that is filled to the brim with migrant workers the smell gets a little funky after nine hours of flying."

“…I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sound of gum chewing and endless yelling of ‘Hoy! Kamusta ka! Domestic helper ka din ba?’ I thought I had died and God sent me to my very own private hell.”


“This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling like AXE and Charlie cologne while my Jo Malone evaporated into thin air.”

Siguro sa oras na ito, kilala nyo na kung sino si Malu Fernandez, siya lang naman ay isang writer na nanlait sa mga OFWs doon sa mga articles nya. Nagtataka lang ako kung bakit napahintulutan ng People Asia Magazine at ng Manila Standards ang mga artikulong ito.. hindi ba nila na anticipate na magwawala ang sambayanang Pilipino lalung lalo na ang mga OFWs sa mga panlalait nya? Sana nagkuwento na lang sya tungkol sa trip, hindi na lang sya sana nagside comment sa kapwa natin Pinoy.

Sa halip na mag apologize sya sa mga sinabi nya... aba at naglabas pa ng isa na namang maanghang na pahayag ang mahadera!

“…Just recently, I wrote a funny article in my magazine column and my friends
thought it was hilarious. It was humorous and quite tongue-in-cheek, or at least
I thought so, until the magazine got a few e-mails from people who didn’t get
the meaning of my acerbic wit. The bottom line was just that I had offended the
reader’s socioeconomic background. If any of these people actually read anything
thicker then a magazine they would find it very funny. Most people don’t get the
fact that they need bitches like me to shake up their world, otherwise their
lives would be boring and mediocre. I obviously write for the a certain target
audience and if what I write offends you, just stop reading.

Although it may sound elitist to you the fact is this country is built on the foundation of haves, have-nots and wannabes. One group will never get the culture of the
other. Although I could mention that it is easier to understand someone who has
a lower socioeconomic background that would entail a whole other page and
frankly I don’t want to be someone to bridge the gap between socioeconomic
classes. I leave that to the politicians in my family who believe they can
actually help. Now I seriously ask you, am I being a diva or are people around
me just lacking in common sense? Perhaps it’s a little of both!”

Ang masasabi ko lang:


  • Parang hindi sya pinoy sa mga sinulat nya. Nakalimutan nya sigurong nasa Pilipinas pa rin sya hanggang ngayon.
  • Kung mayaman at sosyalera sya (base sa mga brands ng mga gamit nya), bat sya sasakay ng Econo-class na eroplano, kahit pa sabihin na parte yun ng travel package na kinuha nya pwede naman nya papalitan yun and even pay more if di nya feel... At bakit hindi sya magrereklamo na masikip ang upuan, ang taba taba kaya nya. Kung ako sa kanya, magpapa-LIPO ako kay Vicky Belo or kay Pai Calayan!
  • Amoy Axe, Charlie at air freshener kamo ang mga OFW? Hoy! Hindi lahat ng mamahaling pabango, eh mabango. At saka wala syang karapatang laitin ang mga OFW dahil sila ang nagbibigay ng dolyar sa bansa natin!
  • "The bottom line was just that I had offended the reader’s socioeconomic background. If any of these people actually read anything thicker then a magazine they would find it very funny." -- funny ba ikamo? Walang matatawa sa isinulat nya. Walang taong natatawa kapag tinatapakan at iniinsulto ang kapwa pinoy.
  • "read anything thicker then a magazine" -- anong gusto nyang palabasin, ang mambabasa ay bobo at sya ay matalino? Ang isang matalinong tao, pinag iisipan muna ng maigi ang bawat salita na sasabihin o bawat hakbang na gagawin...
  • Final Words.... walang mararating ang isang Hambog at Ingratang tulad nya... end of her career..Period!

Bakit ganito na lang ang galit ko sa kanya.... dahil ako ay anak ng isang OFW...

Subscribe Now: Feed Icon