Pero sa lahat ng nabanggit ko, meron lang akong mga piling pagkain na gustung gusto ko (at ng kapatid ko hehehe).
Una sa listahan ko ang tapsilog. Kahit alas tres ng madaling araw ay makakabili ka ng tapsilog sa Spare Strike, 24 hours a day, 7 days a week bukas ang sikat na tapsilugan sa kanto ng Evangelista at Gen. Calles. Bukod sa napakasikat nilang tapsilog (tapa-sinangag-itlog), meron din silang tocilog(tocino-sinangag-itlog), dasilog(daing na bangus-sinangag-itlog), longsilog (longganisa-sinangag-itlog), porksilog (porkchop-sinangag-itlog) at ang hindi ko pa natitikman na horsilog, hors.. oo horse nga as in tapang kabayo.
Pangalawa sa aking listahan ang kinagigiliwan ngayon ng maraming tambay... ang calamares, ito ay ang hinati hating katawan ng pusit na ginulong sa breadcrumbs at pinirito. Ewan ko ba, ngayon ko lang kasi talaga napansin na mayroong nagtitinda ng calamares. At take note, palagi akong nauubusan kasi mabili talaga. Ngayon nga wala na naman ako nabili, wala tuloy ako maipost na pix.
Pangatlo sa aking listahan ang isaw na manok. Hindi ito yun barbeque na isaw. Gaya ng calamares, ito ay pinagulong din sa harina at pinirito. Kaya ang isaw... very crunchy! Bagay na bagay sa suka na may sibuyas at sili... hmm Yummy!
Naku nagutom na tuloy ako... kain muna ako ng tapsilog...