Thursday, June 19, 2008

Coke Event for Bloggers

Nabasa ko ito sa PBS yahoogroups:

What: Buhay Coke ng Bloggers with SM Hypermarket (party ito!)
When: June 27, 2008, Friday, 7:00 p.m.
Where: Taste Asia (beside SM Hypermarket) at the Mall of Asia
Why: Para magsaya! Loads of prizes up for grabs!

.

Come in an angel or devil attire (or wear black, red or white) and get a chance to win more prizes!


Hmmm ano kaya ang isusuot ko? Devil kaya ako o Angel, hmmmmmmm!

Para magregister iclick po ito: REGISTER





Subscribe to Little Girl Blues by Email

Wednesday, June 18, 2008

Sweldo day for Makati Senior Citizens

Napadaan ako sa Barangay Hall kaninang umaga at napansin ko na ang haba haba ng pila tapos may sumisigaw ng mga numbers. Nakausap ko tuloy ng wala sa oras si Manong Pedicab.

Ako: Manong, ano po yun, bakit madaming matatanda at saka ano yun tinatawag na numbers?
Manong Pedicab: Ah yun ba, sweldo ngayon ng mga senior citizens. Binibigyan sila 1000 pesos.
Ako: 1000 pesos wow naman! Para na din silang pensionado ng gobyerno!
Pedicab: Oo, 3 beses sa isang taon sila kung makatangap. Tuwing ika-apat na buwan. Pero makati lang ang gumagawa nun.
Ako: Sana sa ibang municipalities din meron din nyan...


Bukod sa 1000 pesos na natatanggap nila, meron pa silang cake tuwing birthday or wedding anniversaries, P3,000 burial assistance at libreng sine! O san ka pa!

At least naman sa haba ng panahon ng pinagtrabaho nila, naranasan din nilang ma-enjoy ang tax na nakaltas sa kanila.

Subscribe to Little Girl Blues by Email

Tuesday, June 17, 2008

4 Months Maternity Leave

Good news mga mommy!

Posibleng maging 4 buwan ang dating 2 buwan na maternity leave na prebilihiyo ng mga nanganganak.

Ito ang panukalang inihain ni Sen. Antonio Trillanes IV. Sa Senate Bill 2383 ni Sen. Trillanes, ikina­tuwiran nito na mahalaga ang ginagampanang pa­pel ng mga kababaihan sa ‘nation-building’ at dapat lamang mapangalagaan ang kapa­ kanan ng mga ito lalo pa’t dumaan sila sa pa­nganganak.

Ang tanong, umayon kaya dito ang mga kumpanya lalo na ang mga nasa private? Hindi kaya masyadong matagal ang 4 months lalo na't paid ito? Meron kayang gagawing hakbang ang SSS or GSIS para iadjust ang benefits nila?

Pero para sa akin, sana matuloy ito para sa ikabubuti ng mga ina at ng kanilang mga baby.

Subscribe to Little Girl Blues by Email

Subscribe Now: Feed Icon