Saturday, February 26, 2005

Ang Memory Stick at Ang Camera

May mga bagay na akala mo wala sa iyo, pero pagtagal ng panahon, marerealize mo na lang na all this time nasa iyo na pala ang hinahanap mo, pero sa kabila noon, hindi mo pa rin matanggap na nasa iyo na dahil napakarami pa ring katanungan...

Masasabi ko bang matagal na ang 3 taong pagkakaibigan para masabi kong kilala ko na ng lubusan ang isang tao? Paano kung sa loob ng 3 taon, hindi naman kami nag-uusap lagi.. at hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakikita? Pwede ko bang pagtiwalaan lang ang nararamdaman ko para masabi kong mabait syang tao at mahalaga sya para sa akin bilang kaibigan? Pwede ko na bang syang paniwalaan kung sabihin nyang mahal nya ako? Pwede ko na bang sabihin na mahal ko na rin sya dahil matagal ko na syang kaibigan? Pwede ko ba syang mahalin kahit hindi ko naramdaman ang Spark? Kaya ko na bang I let go ang taong naramdaman ko ng Spark dahil mas deserving ang kaibigan ko sa pagmamahal ko? Pwede ko bang sabihin na sya na ang hinihintay ko?

Ang daming tanong na di ko kayang sagutin. Sana naging kasing dali lang ito ng mga tanong na sinasagutan ko sa survey...

Naalala ko tuloy ang kanta na "The One You Love".

"Are you gonna stay with the one who loves you, are you going back to the one you love"...

Isang tanong na madaling sagutin pero mahirap gawin...



Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang oras para sagutin ko ang mga tanong ko... In time....

Wednesday, February 23, 2005

New Year's Wish

Nakatuwaan ko ng sumagot ng survey na pinopost sa bulletin board ng friendster. Dahilan? Una, pamatay ng idle time. Pangalawa, wala lang...

Syempre nung January 1 hindi nawala ang survey for New Year. Maraming tanong yun.. siguro mga 35... About things you regret last year, ayaw mong kainin, gusto mong makasama, wishes, and resolutions. As usual, sinagutan ko lahat ng questions. Isa mga questions na nagpaisip sa akin is yung "What do you want to have for 2005"? So sinagutan ko sya ng Job Promotion and a Boyfriend. Job Promotion kasi medyo naiinis na rin ako sa work ko at nagbabalak balak na rin ako magresign pag di pa ako umangat this year. Boyfriend naman... hehehehe (sos naman... taon na ang binibilang ko.. ayoko po maging old maid). After non, sinagutan ko na rin yun ibang questions tapos nipost ko na sa friendster..

After two months... dumating ang unang magandang balita... na-absorbed ako sa bagong dept. Though same group pero mas maraming challenges... Masaya ako kasi 3 months ko na rin syang hinihintay and aside from that lahat sa grupo nakasama. After 3 days, dumating ang 2nd good news... I was promoted... sa wakas! Medyo naging pasaway kasi ako 2 years ago.. so nung nagbagong buhay ako, sabi ko wag ko nang hingin.. kusa na lang yan ibibigay.. and heto na nga.. kusa ngang ibinigay.

Doon ko naalala yun survey. Abah, 2 months pa lang, me nagkatotoo na.. Di rin pala nasayang ang pagset ko ng goal.. at least isa sa kanila nagkatotoo...

Lesson, its ok to set goals every year.. at least you have something to aim for and if you think for positive results.. for sure, you can reach that goal.

How about my 2nd wish? Any possibilities?... Hmmm... Think positive!

Friday, February 11, 2005

Rose Garden

Tuwing umaga, nakasanayan ko ng ayusin yung mga preserved roses ko dito sa office. Parati kasi itong napapansin ng mga officemates ko, itapon ko na daw kasi malas daw magkeep ng tuyong bulaklak. Hindi ko na lang sila pinapansin kasi very memorable sa akin yun mga roses na yon..

Year 2002 nung nareceive ko yun 1st dozen ng roses... galing yon sa secret love ko, ang saya saya ko noon kasi that was the first time na nakareceived ako ng isang dosenang roses at take note red pa. Actually, he was outside the philippines (not to mention the country) that time and before he left, kinausap nya na yun flowershop na ideliver sa akin yun flowers on our monthsary...

Yung 2nd dozen nareceive ko the following month for my birthday. White nman...Galing naman yun sa ex-bf and bestfriend ko. Ang saya saya ko rin non.. Kaso in the long run, I found out na sila na pala...

Dahil nga sa very memorable sa akin ang mga roses na yun, nipreserve ko sya... so until now, dried sya pero buo pa rin ang leaves and petals nila. Pero syempre dahil sa umabot na sya ng 3 years, medyo nagbago na ang colors nya, yun red naging brown and yun white naging yellow...Last year nga para medyo magmukha syang fresh, pinintahan ko sya using water color pero tinamad ako at di ko na tinapos...

Kaninang umaga, nakita ko na naman yun nga roses ko... sabi ko 3 years na sya, hindi pa rin sya napapalitan. So nilagay ko sya sa status ng Yahoo Messenger ko, wala lang trip lang.

Kaninang 3:30, pinatawag ako sa lobby ng office ng officemate ko. Pagbaba ko, abah may dozen roses ako. White and Pink. Wala akong idea kung kanino galing... Unang una, walang nanliligaw, pangalawa, me mahal ako pero alam ko naman na imposible akong bigyan non (magpapamisa ako pag ginawa nya yon, at sobra tuwa ko syempre...) dahil me gf na sya. Pangatlo, hindi pa valentines (asa pa ha...).

Nag isip isip ako... Secret Admirer? Sino? Peace Offering? Hmmmm, pwede rin... pero impossible din dahil hindi ako binibigyan ng mga kaibigan ko ng roses...

Anyway...At least... I've learned na someone is thinking of me... na someone is caring for me... and someone is treating me very special... Whoever you are... Thank You...


Subscribe Now: Feed Icon